Nobyembre 28, 1975, nang ianunsyo ng pro-independence movement na FRETILIN, katuwang si Prime Minister Xavier do Amaral ang kalayaan ng Timor-Leste mula sa Portugal. Si Nicolau Lobato ang hinirang bilang prime minister, na magiging unang tagapamuno ng armed resistance.

Ang deklarasyon ng kalayaan ang naging hudyat ng civil war. Disyembre 1975, sinakop ng Indonesia ang silangang bahagi ng isla, at inangkin ang isla bilang ika-27 probinsya— “to protect Indonesian citizens in the Timorese territory.” Nagpaabot ng tulong ang gobyerno ng America sa Indonesia dahil ang FRETILIN ay isang Communist organization.

Naganap noong Agosto 30, 1999 ang referendum para sa kalayaan mula sa Indonesia na pinaboran ng 78.5 porsiyento ng populasyon. Dahil sa hindi nakuntento sa resulta, ang mga militante ay pumatay.

Naging ganap nang kasarinlan ng Timor-Leste noong Mayo 20, 2002, nang magkabisa ang kanyang saligang batas.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3