Sa privilege speech ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa Senado noong Lunes ay bumuhay sa mahahalagang isyu sa Priority Development assistance Fund (PDaF) o pork barrel at sa Disbursement acceleration Program (DaP). Kapwa idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ngunit waring determinado ang Department of Budget and Management (DBM) na ipagpatuloy ang mga programang ito sa ilalim ng mga bagong pangalan.

Idineklarang unconstitutional ang PDaF dahil hindi dapat nakikialam ang mga mambabatas sa mga proyekto kapag tapos na ang kanilang tungkuling aprubahan ang budget. Ngunit noong summer, sa paratang ni Sen. Santiago, iniutos sa mga kongresista na magsumite ng listahan ng mga proyekto para sa kani-kanilang distrito at lumilitaw na ang mga proyektong ito ay kabilang sa appropriations ng iba’t ibang executive department at mga ahensiya.

Kaya mayroong malalaking lump sum na nakalaan sa Departments of Public Works and Highways (DPWH), Health (DOH), Social Welfare and Development (DWSD), at Labor and Employment (DOLE), at sa the Commission on Higher Education (CHED) – na may kabuuang P37.3 bilyon. ang pork barrel funds, aniya, ay maaaring nakatago sa malaking lump sum appropriations ng iba’t ibang ahensiya.

At dagdag pa ni Santiago, waring nililok ang budget na tumatanaw sa darating na presidential elections. Isang P1.57 bilyong budget para proyektong patubig ay ibinigay sa DILG ni Sec. Mar Rozas, na naghahangad na maging Liberal Party presidential candidate, na dapat sana sa ilalim ng National Irrigation administration.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinuwestiyon din ni Sen. Santiago ang bagong depinisyon ng savings sa panukalang budget. Madedetermina dapat ang savigns matapos makumpleto ang isang proyekto at kung hindi naman nagamit lahat para roon ang pondo, ngunit sa ilalim ng bagong depisinisyon, maaaring hindi ipagpatuloy o iabandona ang isang proyekto kahit anogn oras at ilipat ang pondo sa iba pang proyekto.

Ang laban upang ituwid ang pambansang budget para sa 2015 ay nawaglit sa Kamara nang aprubahan nito ang halos lahat na iprinisinta ng DBM, kabilang ang daan-daang pahinta ng “errata” at “typographical errors”. Nilayon ng Senado na tugunan ang ilan sa mga patutol ni Sen. Santiago. Giit nito sa mga ahensiya ng gobyerno na magsumite sa Kongreso at sa Commission on audit ng isang listahan bago gamitin ang lump-sum funds. Tinanggal din nito ang pariralang “kahit anong oras” sa depinisyon ng savings.

Ngunit marami pang probisyon ang tinutulan ni Sen. Santiagoat may ilang kongresista ng oposisyon ang nananatili sa General appropriations act para sa 2015 na inaprubahan ng Senado noong Miyerkules. ang natatanging paraan na lamang para sa mga nagnanais na linisin ito ay ang Supreme Court uli.