Napanatili ni Iloilo's pride Jesse Aligaga ang kanyang 48kg crown habang inagaw ni Baguio City's Jean Claude Saclag ang 60kg title sa nakaraang 7th Sanda World Cup na ginanap sa unang pagkakataon sa labas ng China sa Jakarta, Indonesia.
Nakatutok sa kanyang back-to-back gold medal showing noong 2013 World Wushu Championships, siniguro ni Aligaga ang kanyang kaparehong kampanya sa World Cup nang pataubin si India's Chandra Singh Mayanglamban sa dalawang rounds.
Isa sa silver medal winner ng Wushu Federation Philippines sa 2014 Asian Games, mas naging agresibo si Saclag, ang bronze medalist sa nakaraang taong games, sa pagkakataong ito. Pinabagsak nito (TKO) si Afghanistan's Khaled Hotak Mohammad sa unang round pa lamang para sa pinaglalabang gold.
"It was a sweet revenge for me on the way to bagging the gold", saad ni Aligaga, magseselebra ng kanyang ika-31 kaarawan sa susunod na buwan. Masusing pinagaralan nito ang kanyang nakaraang taong kampanya sa World Wushu Championships, kung saan ay nakatapat nito si Song Bu Er ng China sa semis.
"I still have long way to go and I will continue to work hard so that I could duplicate if not surpass the achievements of my more illustrious predecessors," pahayag naman ni Saclag.
Sumalo si Aligaga kay Rene Catalan, isa ring Ilonggo, bilang natatanging two-time Filipino Sanda World Cup champions. Si Catalan ang unang Filipino na nakakubra ng dalawang gold medals sa Wushu worlds.
Nakuwalipika rin ni Baguio City's Benjie Rivera, ang ikalawang double gold medalist na nagpasiklab sa kanyang ikalawang kampanya sa 2013 Wushu worlds, para sa World Cup subalit kinailangang magretiro upang umakyat bilang coach. Nagiisang Filipina qualifier, 'di pa rin nakita sa aksiyon si Evita Zamora, humablot ng bronze sa Wushu worlds, sanhi sa pagpapagaling ng kanyang injury.
"The gold-medal performances of our only two athletes in the 2014 Sanda World Cup serve to reaffirm WFP's enduring tradition of excellence. Their golds are the 104th and 105th in our gold-medal collection from major international competitions," sinabi ni WI A President Eang She Ling.
Sinamahan nina WFP Executive Director Freddie Jalasco at foreign coach Tong Qing Hai sina Aligaga at Saclag. Ang pagbiyahe ng koponan ay pinondohan ng Philippine Sports Commission (PSC) at sinuportahan ng Philippine Olympic Committee (POC).