CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang 18-anyos na lalaki ang kinasuhan ng panggagahasa sa isang pipi at bingi sa San Fernando City sa lalawigang ito kamakailan,

sinabi ng pulisya kahapon.

Si Rolly Bautista, residente ng Purok 6, Bgy. San Pedro, San Fernando City ay positibong kinilala ng biktimang si Rochelle Tolentino, may kapansanan, 31, bilang ang lalaking gumahasa sa kanya noong Linggo ng hapon, Nobyembre 23, 2014. Ang biktima at ang suspek ay kapwa nakatira parehong lugar.

Sa ulat na ipinadala kay Pampanga Provincial Police Office (PPO) chief, Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., sinabi ni Supt. Rechie Duldulao, chief of police ng San Fernando City, na nangyari ang panggagahasa nang dalhin ni Bautista si Rochelle sa kanyang bahay dakong 2:00 ng hapon.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Matapos ang insidente, nagsumbong si Rochelle sa kanyang mga kapatid tungkol sa kanyang sinapit. Inaresto ng mga awtoridad si Bautista dakong 3:00 ng hapon noong Nobyembre 25.