Joseph Estrada

GULAT na gulat si Batangas Governor Vilma Santos nang dumating sa Valencia Residence ni Mother Lily Monteverde para sa presscon ng Ala Eh Festival dahil sinabayan ito ng pa-birthday party sa kanya ng Regal matriarch.

“Akala ko talaga, eh, for Ala-Eh Festival lang ito, may kasama palang birthday surprise. We started Ala-Eh Festival eight years ago kasi lahat ng towns sa Batangas, may sariling foundation day festival, but how come the province itself, wala?” sey ni Gov. Vi.

Ngayong taon, gaganapin sa Taal ang okasyon simula sa December 1.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The week-long festival will end on December 8, birthday ni Mama Mary, with a mass at the Basilica of St. Martin, followed by a parade with street dancing and colorful floats. We’re doing this to attract more tourists to Batangas so come and visit us during the festival at siguradong you’ll enjoy it,” pagmamalaki ni Ate Vi.

Siyempre, dahil matagal nang nami-miss ng press simula nang maging masakitin siya, kinumusta agad ang kanyang kalusugan.

“Medyo okey na. Sa sobrang stress at pagod, bumaba kasi ang immune system ko, I got drained, bumalik ang ulcers ko. Akala mo, kaya mo lahat, pero totoo pala, sisingilin ka,” malungkot na sagot ng Star for All Seasons.

Samantala, tungkol sa napipintong pagpasok ng kanyang panganay na si Luis Manzano sa pulitika…

“Well, I’m not encouraging him or discouraging him. I told him it’s not easy. Maganda pa naman ang takbo ng showbiz career niya, also his businesses. I told him kung pipilitin lang siya at hindi manggagaling sa puso niya, then don’t do it. In the end, the decision will be his. But if ever he’d run, gagawin ko rin ang ginawa sa akin dati ni (Sen.) Ralph (Recto) na pinag-aral niya ako ng crash course sa UP.”

Sinagot din ni Ate Vi ang isyu na inisnab daw niya ang pagtitipon ng senior stars na ipinatawag at pinangunahan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

“It’s just with the situation ng nose ko, ni-laser ang ilong ko, at ‘yun ang schedule that day. Kapag ni-laser ‘yun, because of this insect bite na ‘di ko alam kung sa’n nanggaling, hindi puwedeng lagyan ng kahit ano, ng makeup, or anything. So, hindi ko inisnab.

“Nagkataon lang na that was the same day ng laser ko na sa gabi, hindi puwede hawakan o lagyan ng kahit ano dahil bagong laser. Because I wanted to get better na at kapag pinatagal ko pa lalo at lagay ako nang lagay, the more it would get infected at lalong tatagal ang gamutan,” sey ng Star for All Seasons.