Inilunsad ni Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino ang Task Force Phantom sa MMDA office sa in Makati  City  kahapon. Binubuo ito ng 30 tauhan ng pinagsamang grupo ng elite motorcycle riding MMDA trafic constables at PNP highway patrol. Ang task force ay magiging  bahagi ng escort ni Pope Francis at security contingent sa Leyte at magsisilbi rin sa foreign dignitaries sa APEC Summit sa  bansa sa susunod na taon. (MICHAEL VARCAS)

Ipinakilala na kahapon ng Metropolitan Manila Develoment Authority (MMDA) ang binuong Task Force Phantom, isang elite team na magbibigay ng seguridad kay Pope Francis at kanyang delegasyon sa pagbisita nito sa Pilipinas, partikular sa Leyte, sa Enero 15 hanggang 19, 2015.

Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, bukod sa papal visit, magsisilbi rin ang TF Phantom sa security contingent ng malalaking events gaya ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa 2015 at pagbabantay sa mga VIP na bibisita sa bansa.

Nilinaw ni Tolentino na regular na trabaho rin ng nabanggit na elite team ang panghuhuli ng mga colorum na pampublikong sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila partikular sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) simula kahapon.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Sinabi ng MMDA chief, ang TF Phantom ay binubuo ng 15 traffic constables mula sa MMDA at 15 miyembro ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), na pawang may bagong uniporme at motorsiklo ang mga kasapi ng task force.

Sumabak sa mahigit isang buwang matinding security at traffic management training ang mga kasapi ng TF Phantom.