Iniutos ng Korte Suprema na ilipat sa mas ligtas na lugar ang mga oil terminal ng mga kumpanya ng langis sa Pandacan, Manila matapos nitong ideklarang unconstitutional ang ordinansa na ipinalabas ng lungsod ng Maynila na nagpapahintulot ng pananatili nito sa lugar.

Binigyan ng SC ng 45 araw ang mga kumpanya ng langis at kinauukulang ahensiya ng gobyerno para isumite ang relocation plan nito.

Sa inilabas na desisyon ng SC, sinabi nitong invalid at labag sa batas ang Ordinance Number 8187 ni dating Manila Mayor Alfredo Lim na nag-reclassify sa Pandacan Oil Depot bilang heavy industrial zone at isinantabi ang 7 taong phase out plan sa depot na isinulong ni dating Manila Mayor Lito Atienza dahil sa isyu ng seguridad ng mga residente.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras