Pinagtibay ng Kamara ang panukalang nagbabawal sa paghuli, pagbebenta, pagbili, pag-iingat, pagdadala, pag-angkat at pagluluwas ng mga pating at pagi sa bansa. Papatawan ng P1 milyong multa at 12 taong pagkabilanggo ang mga lalabag sa batas.

“Pursuant to the objectives of the Convention on International Trade on Endangered Species of Wild Flora and Fauna, the State’s policy is to conserve, protect and sustain the management of the country’s shark and rays population,” pahayag ni Rep. Francisco T. Matugas (1st District, Surigao Del Norte), chairman ng House Committee on Natural Resources. Ang mga may-akda ng House Bill 5206 ay sina Reps. Sherwin T. Gatchalian (1st District, Valenzuela City) at Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga).
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras