LEGAZPI CITY — Tiyak na naiibang karanasan ang naghihintay sa mga dayuhang delegado sa Informal Senior Officials’ Meeting (ISOM) ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos dito sa Disyembre 8-9, 2014.

Pamumunuan ng mga economic ministers at matataas na opisyal ng 21 bansang kasapi ng APEC, ang ISOM ang opening salvo ng serye ng ministerial at technical meetings tungo sa 2015 APEC Leaders Summit na pag-aabalahan ng Pilipinas sa 2015. Dito sa Albay idaraos ang sampu sa naturang mga komperensiya.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang 2015 APEC meetings ay tanging pagkakataon na naman para ibandila ng Albay ang mga makasaysayan, pangkalingangan ang pangturistang mga yaman nito. Kasama sa naiibang mga karanasang naghihintay sa APEC guests at delegates ang isang world-class welcome party para sa kanila na nakabatay sa cultural character at touristic assets ng Albay. Bukod dito, mayron ding cultural shows na aaliw sa mga bisita.

Ang ISOM ay masasabay sa pagbubukas at pagsisimula ng Albay Karangahan Green Christmas, isang buwang singkad na pista kung saan nakapaloob ang mga tradisyong Kristiyano at mga tugon sa pangkasalukuyang mga hamon, kasama ang “disaster risk reduction and climate change adaptation, indigenous resources, and endearment and pride.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Napili ang Albay na isa sa ilang maghu-host ng APEC meetings dahil sa “vitality and dynamism in development despite the Pacific risks” nito. Ang lalawigan ay deklaradong “United Nations Global Model for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation.” Binigyang diin ni Salceda na ang “integral culture of survival, faith, and celebration” ng Albay ay masasalamin sa higanteng Christmas Tree nito sa Penaranda Park. tapat ng Kapitolyo, na gawa sa kamote. Pangalawa ang Albay na may pinakamalaking ani ng kamote. Ang mga APEC guests, dagdag ni Salceda, ay magkakaroon din ng pagkakataong matikman ang Fiesta Culinaria ng Albay na bahagi ng Karangahan Festival. Tampok dito ang nakakalaway na mga pagkain na likha ng mga local chefs at restaurateurs.