MIAMI (AP) – Natapos na ang mini-shooting slump ni Stephen Curry.
Umiskor si Curry ng 40 puntos sa kanyang 11-of-18 shooting at tinalo ng Golden State Warrios ang Miami Heat, 114-97, kahapon para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.
‘’You just feel a rhythm,’’ sabi ni Curry, na 8-for-24 sa kanyang nagdaang dalawang laro. ‘’I had guys set some great screens early to kind of get me going. You start finding shots and it feels good. Even the ones I missed terribly felt good, which is pretty funny.’’
Nagtala si Klay Thompson ng 24 puntos para sa Warriors, na gumawa ng 57 porsiyento. Nagtapos si Curry na 8-of-11 mula sa 3-point range.
‘’You always stay confident, stay ready,’’ ani Curry. ‘’You win games all sorts of ways with different individual performances. How we shot last game had nothing to do with this game. If we execute our offense well, you’re going to get good shots.’’
Nakakuha ang Golden State ng 14 sunod na puntos upang buksan ang 107-95 na abante sa natitirang 2:50. Tinapos nina Curry at Thompson ang nasabing run sa pagbuslo ng magkakasunod na 3-pointers.
‘’The beauty of this team is we can play both ends,’’ lahad ni Warriors coach Steve Kerr. ‘’We have the personnel to score. We have the personnel to guard.’’
Gumawa si Chris Bosh ng 26 puntos para sa Miami, habang 16 ang kay Luol Deng. Ang dunk ni James Ennis sa nalalabing 9:11 ang huling field goal ng Miami.
‘’They played their best basketball in the fourth quarter,’’ saad ni Heat coach Erik Spoelstra. ‘’We got caught up in some tough possessions. Their defense really stepped up and then they started to score and we just weren’t able to sustain from there.’’
Lumamang ang Miami ng 16 sa first half ngunit isinara ng Golden State ang second quarter sa pamamagitan ng 23-8 pag-atake. Naipasok ni Draymond Green ang dalawang free throws sa huling 9.8 segundo upang tapyasin ang abante ng Heat sa 62-61 sa break.
Ipinagpatuloy ng Golden State ang kanilang momentum sa second half. Tatlong three pointers ang pinakawalan ni Curry sa third period at ang kanyang dalawang free throws na nalalabing 58.2 segundo ang naglagay sa Golden State sa unahan, 89-82.
‘’Second half - everybody was more in tune,’’ ani Kerr. ‘’We got to their 3-point shooters. We ran them off the line. In the end, we got it rolling.’’
Naging maganda ang pag-uumpisa ng Heat, nakuha ang 31-22 abante mula sa corner 3-pointer ni Mario Chalmers sa natitirang 1:51 ng first quarter.
‘’I don’t really get what we think or what we do down the stretch against good teams, the elite teams,’’ giit ni Bosh. ‘’For some reason we just forget everything - offense and defense execution.’’
Resulta ng ibang laro:
Atlanta 106, Washington 102
Sacramento 99, New Orleans 89
Milwaukee 98, Detroit 86
Denver 114, Chicago 109