NICOSIA, Cyprus (AP) – Gumawa ng bagong goalscoring record si Lionel Messi ng Barcelona nang iangat ang kanyang tally sa isang kumpetisyon sa 72 kahapon.

Umatake si Messi sa 38th minute laban sa APOEL sa Group F upang bigyan ang Barcelona ng 2-0 abante matapos na buksan ni Luis Suarez ang scoring.

Ito ang ika-91 laro ni Messi sa top club competition ng Europe. Ang dating Real Madrid at Schalke striker na si Raul ay umabot sa 142 matcher upang maitala ang dating rekord na 71.

Si Cristiano Ronaldo ng Real Madrid, na mayroong 70 goals, ay magkakaroon ng pagkakataon na mabura ang bagong rekord ni Messi sa pakikipagharap ng Spanish champions sa Basel ngayong araw.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador