KALIBO, Aklan - Umapela si Libaco Vice Mayor Charito Navarosa na tigilan na ang rido o away pamilya sa kanilang bayan.

Ito ay kasunod ng pamamaril sa isang perya noong Lunes na ikinasawi ng dalawang menor de edad at ikinasugat ng anim na sibilyan.

Ayon kay Navarosa, rido ang nasa likod ng insidente dahil matagal na itong problema sa kanilang bayan at sa mga katabing lalawigan ng Antique, Iloilo at Capiz.

Ang Libacao ay sakop ng Central Panay Mountain Ranges kasama ang mga katabing Iloilo, Antique at Capiz na pawang may mga insidente ng hidwaan ng pamilya.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Tinatayang mahigit 200 na ang namatay sa rido sa nasabing lugar na kinasangkutan ng 23 malalaking pamilya.

Sa Libacao, uso sa mga bata ang magdala ng laruang baril dahil bata pa lang ay tinuturuan na silang depensahan ang sarili dahil sa rido.