Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

Lyceum vs. San Beda (jrs/m/w)

Letran vs. San Sebastian (w/m/jrs)

Makasalo ng Arellano University sa pamumuno sa women’s division ang misyon na pagsisikapang isakatuparan ngayon ng San Sebastian College sa kanilang pakikipagtuos sa Letran College sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naiiwan lamang ng isang panalo ng Lady Chiefs ang Lady Stags na may baraha ngayong 4-0, panalo-talo.

Manggagaling sa 4-setter win kontra Jose Rizal University sa nakaraan nilang laro, paborito ang Lady Stags na manaig sa Lady Knights na hindi pa nakakatikim ng tagumpay matapos ang unang lima nilang laban, pinakahuli sa kapitbahay nila sa Intramuros na Mapua Lady Cardinals (1-3).

Magtutuos ang dalawang koponan sa tampok na women’s match matapos ang duwelo sa juniors, men’s at women’s squads ng Lyceum of the Philippines University at ng San Beda College na magsisimula ng alas-8 ng umaga.

Tatangkain ng Junior Pirates, na sorpresa ngayong nangunguna sa juniors division taglay ang malinis na barahang 3-0, ang kanilang ika-apat na dikit na panalo habang magtatangka naman ang Red Cubs na makaahon mula sa natamong dalawang sunod na kabiguan.

Kapwa namang wala pang panalo, mag-uunahang makapsok sa winner’s circle ang Pirates (0-4) at ang Red Lions (0-3).

Sa iba pang laban, magkasunod naman sa ikaapat at ikalimang posisyon sa men’s division, magkukumahog na umangat mula sa kanilang kasalukuyang puwesto ang Stags (2-2) at ang Knights (2-3) sa kanilang pagtutuos matapos ang laban ng kani-kanilang women counterparts.

Samantala sa huling laro, hangad ng San Sebastian Staglets na pumantay sa ikalawang puwesto na kasalukuyang okupado ng Arellano at University of Perpetual Help na kapwa may barahang 2-1, panalo-talo habang magtatangka naman ang Squires na makamit ang ikalawang panalo sa loob ng apat na laro.