Noong nasa kolehiyo pa lamang ako, marami akong pinangarap – malalaking pangarap. Ngunit nabura ang lahat ng iyon nang paulit-ulit kong naririnig sa aking ina, mga kapatid, mga kaibigan na hindi ako magkakaroon ng magandang trabaho dahil wala pa akong working experience. Sa isang banda, totoo ang sinasabi nila. Nang mag-fill up na ako ng application form para sa posisyong nais ko, nalumo ako nang makarating na ako sa “Working Experience”. Kaka-graduate ko lang noon. Gayon man, bumagsak ako sa mga trabahong hindi ko gusto – kumita lamang kahit paano. Kaya habang nagtatrabaho ako, sinikap ko na lang na maging mahusay akong manggagawa. At paunti-unti kong naging goal ang magkaroon ng working experience.

Sa totoo lang, experience ang makukuha mo kapag hindi mo nakuha ang trabahong gusto mo. Gayong mahalaga ang experience sa ating buhay-propesyonal, produkto pa rin iyon ng ating mga ginagawa. Direksiyon dapat ang naging pangunahing alalahanin samantalang magkakaroon ka lang ng experience dahil sa tagal at pagtitiyaga mo sa isang trabaho.

Alam ko na ang tanging paraan upang matapos ang mga gawain ay ang alamin ang iyong priority at pagtutok sa kung ano ang mahalaga. Gayunman, bumigay ako sa kultura ng kumpanyang una kong pinasukan. Itinataguyod sa kumpanya ang pagiging busy palagi at maraming gawain bilang tanda ng pagtitiwala, tagumpay, at kahalagahan. Kapag dumami ang email ko, lalo akong nakararamdam na importante pala ako. Pero sa totoo lang, ang sobrang daming ginagawa ay nagpapakita lamang ng kawalan ng abilidad na mag-prioritize. Sinikap kong mag-prioritize pero habang tinitingnan ko ang listahan ng ating mga gagawin, parang hindi ko alam kung alin ang sisimulan ko. Parang lahat ng nakalista ay mahalaga.

Ang priorities ay walang iba kundi isang set ng criteria upang malaman kung ano ang mahalaga at hindi. Kapag bumilis na ang takbo ng pamumuhay, lalong kailangang tutukan natin kung anu-ano ang mahahalagang bagay sa buhay. Kailangang magdagdag ng mga bagay na mahalaga sa listahan ng ating buhay.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

Sundan bukas.