Isinailalim na kahapon sa physical therapy si Senator Jinggoy Estrada dahil na rin sa idinadaing nitong kirot sa balikat.

Si Estrada ay inilabas sa kanyang kulungan sa Camp Crame dakong 9:00 ng umaga at dinala sa Cardinal Santos Memorial Hospital sa San Juan City.

Inumpisahan ang physical therapy ni Estrada nang payagan ng Sandigandanbayan ang mosyon nito isailalim ito nang dalawang beses na therapy kada linggo sa loob ng dalawang linggo, simula kahapon (Nobyembre 26).

Kasama ni Estrada na nakapiit sa PNP Custodial Center si Senator Ramon “Bong”Revilla habang sa PNP General Hospital si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa P10-billion pork barrel fund scam.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros