Kris Aquino at Boy Abunda

PARA sa darating na Kapaskuhan, wish ni Boy Abunda na sana’y magkakaayos na sina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas na parehong malapit sa kanyang puso.

Sabi ng King of Talk nang makausap namin sa katatapos na Star Awards for TV awarding rites, na siya ang nanalong Best Public Affairs Program Host para sa The Bottomline na wagi rin bilang Best Public Affairs Program, siya na ang magiging pinakamasayang tao kapag nagkabati na sina Kris at Ai Ai na matagal-tagal na rin namang may tampuhan.

Dagdag pa ni Kuya Boy, kasama sa araw-araw niyang ipinagdarasal sa Diyos na sana ay magkaayos na ang dalawa at kalimutan na ang anumang ugat ng tampuhan nila.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Although, aware si Kuya Boy sa naging ugat ng tampuhan nina Kris at Ai Ai, wala naman daw siya sa posisyon para magkuwento tungkol dito. Gayunpaman, taimtim na hiling niya sa Diyos na maibalik na ng dalawa ang dating pagkakaibigan.

Samantala, halos lahat na yata ng parangal na maaaring igawad kay Boy Abunda bilang TV host ay nasa kanya na. Na-elevate na siya sa Hall of Fame as Best Showbiz-Oriented Talk Show Host. Siya ang kauna-unahang naging hall of famer ng nasabing award-giving body. Sa kabila nito, inamin niya na nai-excite pa rin siyang tumanggap ng awards!

“Akala ko noon masasanay ako sa pagtanggap ng mga parangal. Hindi. It’s always like you’re getting it for the first time. So, sabi ko nga kanina sa aking speech, parang every time na nakakatanggap ka ng award na ganito, mas nagiging malakas, it strengthens your resolve to get better.

“Kasi utang na loob mo sa sambayanan, ‘yung mga producers, sa network, sa iyong staff ang anumang performance na iyong ginagawa sa harap ng camera.

“So, we should be better. We don’t have an excuse not to be better. Tuwing pinapanood ko ang aking sarili at kini-critic, ‘ika nga, ‘yung aking performance sa iba’t ibang mga palabas, lalo na sa The Bottomline, there’s always a question that’s left unanswered. There’s always a question that you forgot to ask, a portion in the interview that you were not very attentive or you over-thought.

“So, parang kapag nakakatanggap ka ng ganitong parangal, it humbles you. You remain a student and you keep on learning,” malaman at seryosong pahayag pa ng King of Talk.