BONGGANG-BONGGA ang ATC Healthcare International Corporation dahil nakuha nilang endorser ng kanilang products sina Nikki Gil (for Reducin), Iya Villania (for Redox Fat), Jackie Rice (for Robust), Amy Perez (for Strike Mosquito Repellent Patch) at Mr. Raffy Tulfo (for Robust Extreme).

Iniharap sila ng ATC sa launching cum contract signing sa Garden Ballroon ng Edsa Shangri-la Plaza nitong Martes.

Paliwanag ng head ng ATC na si Mr. Albert T. Chua ay nakasanayan na ang nakakasamang gawain gaya ng madalas na pag-inom, paninigarilyo, sobra at ‘di tamang pagkain bukod pa sa mahilig din tayong humanap ng mabilisang solusyon na nagiging masama ang epekto tulad ng pag-inom ng miracle pills na kadalasan ay hindi naman daw epektibo.

Kapag komunsulta naman sa doktor at nagbigay ng prescription kung ano ang tamang gamot na dapat inumin ay problema namang dahil napakamahal kaya hindi nabibili, so naghahanap ng ibang solusyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kaya gumagawa ang ATC ng iba’t ibang produkto gaya ng dietary supplements, immunity boosters, detoxifying at cleansing products, pati na rin slimming capsules na maaaring magsilbing solusyon para sa kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Ang mga ito ay ang LiverMarin, Robust, Robust Extreme, BitterGo, RedoXfat, GlucoMax, Strike, ATC Grape Seed Oil, ATC Ginkgo Biloba at ATC Fish Oil ay iilan lamang sa kanilang mga produkto na aprubado ng Food and Drug Administration o FDA.

Ang ATC Healthcare International Corp. ay isang kumpanya na naitatag noong 2005 ay nakatanggap na ng Gold Brand, Gold Seal of Quality at Consumers’ Choice Award 2013.

Ayon kay Nikki ay maraming nabago sa buhay niya ngayong 2014 lalo na sa showbiz career niya na naging maganda dahil napasama siya sa Hawak Kamay, stage musical (The Last Five Years) at first time niyang mapapasama sa Metro Manila Film Festival, nasa cast siya ng My Big Bossing kasama sina Vic Sotto, Ryza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap.