Nobyembre 27, 1810, nang pumusta ang playboy at komedyanteng si Theodore Hook sa kanyang kaibigang manunulat na si Samuel Beazley, na kaya niyang gawing isa sa pinag-uusapang lugar sa United Kingdom ang kahit anong ordinaryong lugar sa London sa loob lamang isang linggo.
Unang tinarget ni Hook ang 54 Berners Street, at siya ay nagpadala ng sandamakmak na liham sa dignitaries at craftsmen, na may pangalan ni Mrs. Tottenham, ang nagmamay-ari ng lugar.
Nagsipagdating ang mga padala at bisita mula umaga hanggang gabi. Ilan sa mga tumugon sa “Mrs. Tottenham’s inquiries” ay mga sapatero, panadero, abogado, pinuno ng simbahan, tindera, ang London Lord Mayor, Canterbury Archbishop at maging ang minor royalty.
Sa sandaling oras na iyon, ang payapang kalye ng Berners ay napuno ng kalituhan at naging abala.