PERTH (Reuters)— Tinatrabaho ng Australia ang bagong drift modeling para palawakin ang geographical area kung saan maaaring sumampa sa dalampasigan ang wreckage mula sa nawawalang Malaysian Airlines flight MH370, sinabi ng Australian search coordinator noong Miyerkules.
Ipinahihiwatig ng initial analysis na ang unang debris mula sa eroplano ay maaaring sumampa sa dalampasigan ng Western Sumatra sa Indonesia makalipas ang halos 123 araw.
Ang drift modeling ay dagdag sa nagpapatuloy na surface at underwater search para sa eroplano, na naglaho sa Indian Ocean noong Marso 8, sakay ang 239 katao.