DUMALO ang isa sa top leading men ng Kapuso Network na si Alden Richards sa opening night ng Hanoi International Film Festival na ginanap noong November 23 sa Vietnam. Siya ang kinatawan ng Pilipinas at ng pelikulang Kinabukasan sa film festival.
Sa direksyon ni Adolfo Alix, Jr., ang Kinabukasan ay pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor at ni Alden. Nominated ang nasabing pelikula sa short film category.
Ibinahagi ni Alden kung gaano kasaya at ka-challenging na makatrabaho ang superstar.
“Siya ‘yung epitome ng perfect acting, eh. Natural na natural. Alam mo na ‘yung mga words na ginagamit niya ay galing sa puso talaga. Sobrang nag-enjoy talaga ako na nakatrabaho ko siya at mas lalong nadagdagan ang self-confidence ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makatrabaho ang nag-iisang superstar.”
Proud siya na kinatawan niya ang bansa sa nasabing international film festival.
“It’s such a blessing to experience attending this film festival. I was able to meet the stars and directors from different countries at paniguradong isa ito sa highlights ng aking career bilang isang aktor. The experience inspires me to do more and be the best that I can be.”
Samantala, napansin naman ng isang Vietnamese entertainment website na www.ngoisao.net si Alden at tinawag pa nila itong “Diễn viên nổi tiếng của” o sa Ingles ay Philippines’ Famous Actor.
Si Alden ay host ng Bet ng Bayan at bahagi ng musical variety program na Sunday All Stars.