AIKO Melendez

DIRETSAHANG itinanggi ni Aiko Melendez ang isyung lumabas kamakailan na madalas niyang ka-date at maaring karelasyon na raw ang isang kilalang atleta. Hindi niya itinanggi na magkakilala sila pero hindi raw niya ito karelasyon at walang katotohanan ang nasusulat na madalas silang lumalabas.

“Alam n’yo madalas akong lumalabas pero marami kami. I am not exclusively dating anybody,” sabi ni Aiko nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng Give Love On Christmas na isa siya sa mga bida sa episode na “The Gift Giver” na handog ng Dreamscape Entertainment.

Premiere telecast na ng Give Love On Christmas, ang Christmas TV special ng ABS-CBN, sa Lunes, December 1. Papalitan nito ang Be Careful With My Heart na magwawakas na bukas.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Hindi naman itinago ni Aiko na nakakasama nga niya ang naturang athlete na sinasabing higit na mas bata sa kanya .

“I go out as a group lang talaga pero ‘yung lumabas kaming kami lang dalawa, eh, hindi totoo ‘yun. I am not exclusively seeing him. Sa totoo lang, eh, I am open to seeing more guys, in this moment in time, eh, ayoko namang ikulong ang sarili ko sa isang lalaki, the more the merrier,” natawa pang banggit ni Akikay.

Inamin ng aktres na madalas na tumatawag at nagpapadala ng text messages sa kanya ang naturang athlete para mangumusta.

Nanliligaw ba ito sa kanya?

“Hindi ako ang nasa posisyon na magsalita tungkol diyan kasi siyempre, babae pa rin ako, eh, as far as I know naman, eh, magkaibigan kami,“ sagot ni Aiko.

Lovable rin namang matatawag ang atleta pero hindi raw nakikita ng aktres ang sarili niya na ma-involve nang husto sa binata.

“This is the first time na parang ang laki ng age difference, di ba? Hindi ko naman isinasara ang pinto ko, pero let’s see. Ayokong manggaling sa akin o pangunahan ko, baka naman mamaya ma-misinterpret ako, at gusto lang palang makipagkaibigan,” seryosong banggit pa ng premyadong aktres.