Hiniling ng environmental watchdog na EcoWaste Coalition sa publiko at sa Papal Visit 2015 National Organizing Committee na tiyakin ang “waste-free itinerary” para kay Pope Francis, na kilala sa kanyang pagmamahal sa kalikasan.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste, bagamat napakahalaga ng papal visit para sa bansa, partikular sa mga Katoliko, ay hindi pa rin dapat ipagwalang-bahala ang banta ng tambak na basurang maiiwan sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad para sa okasyon.

“We specifically urge the Papal Visit 2015-National Organizing Committee (PVNOC) to ensure a waste-free itinerary for the ‘green’ pope,” ani Lucero.

Sinabi ni Lucero na ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15-19, 2015 ay isang magandang pagkakataon din upang tunay na maipagdiwang ang Zero Waste Month.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang Enero ng bawat taon ay idineklarang Zero Waste Month ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa bisa ng Proclamation 760.