MADRID (AP)– Magbubukas si Rafael Nadal ng isang tennis academy sa kanyang home island na Mallorca sa 2016.

Ang 14-time Grand Slam winner ay nagkaroon ng isang groundbreaking ceremony para sa nasabing academy sa kanyang bayan ng Manacor.

Sabi ni Nadal, ‘’this is a special day for me, this project that we have been working on for many years is finally a reality.’’

Plano niya na “to begin with a summer camp in 2016.’’

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Ang academy ay kapapalooban ng isang eskuwelahan kung saan puwedeng ipagpatuloy ng promising tennis talents ang kanilang regular na pag-aaral.

Ang 28-anyos na si Nadal ay kasalukuyang nagrerekober mula sa pagkakatanggal ng kanyang appendix nitong buwan. Aniya, plano niyang magbalik sa kumpetisyon sa Enero