LIPA CITY, Batangas – Hindi pa man nalilitis ang kaso ay sinentensiyahan na ng mga hindi nakilalang suspek ang buhay ng isang akusado sa panghoholdap sa Lipa City, Batangas.

Dead on arrival sa Metro Lipa Medical Center si Edmar De Chavez, 31, deputy chief tanod ng Sitio Santo Toribio sa Barangay Marawouy.

Ayon sa report ni PO3 June Gonzales, bandang 4:00 ng hapon noong Nobyembre 23 habang inaayos ni De Chavez ang kanyang tricycle sa labas ng kanyang bahay ay dumating ang mga suspek na lulan sa motorsiklo at pinagbabaril siya.

Si De Chavez ang iniulat kamakailan na suspek sa panghoholdap sa isang alkalde ng Northern Samar at asawa nitong dentista sa lungsod noong Nobyembre 17.

National

Amihan, shear line, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Nakuha mula sa mga biktima ang P400,000 cash, ayon sa report, at nasugatan pa ang driver ng tricycle na sinakyan ng mga biktima na si Eduardo Mersan matapos itong barilin.