LOS ANGELES (AFP) - Mapapanood na ang trailer ng pinakabagong yugto ng Star Wars sa Biyernes, ayon sa direktor nito.

“A tiny peek at what we’re working on - this Friday, in select theaters,” base sa post sa Twitter ng filmmaker na si J.J. Abrams, at idinagdag na tatagal ng 88 segundo ang nasabing trailer.

“Hope you enjoy, and have a most excellent Thanksgiving,” lahad ni abrams, tinutukoy ang US national holiday sa Huwebes.

Nitong nagdaang mga araw, inihayag ng Disney na ang bagong titulo ng pelikula ay Star Wars: The Force Awakens.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Patok na patok sa mga manonood ang Star Wars simula nang ilunsad ito noong 1977 kasama ang mga paglalakbay nina Skywalker, Han Solo at Darth Vader.

Nagsimula ang pagbuo ng pelikula sa Britain noong Mayo sa Episode VII Muling bibida sa panibagong pelikula ang mga orihinal na miyembro ng cast na sina Harrison Ford, Carrie Fisher, Mark Hamill, Anthony Daniels, Peter Mayhew at Kenny Baker kasama ang mga baguhan kabilang na ang Oscar winner na si Lupita Nyong’o, at sina Max von Sydow, Adam Driver, Andy Serkis at Domhnall Gleeson.