Ni HANNAH L. TORREGOZA
Isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes na nagbibigay-papuri kay Saranggani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa kanyang pagkapanalo kay undefeated American boxer Chris Algieri sa Cotai Arena, Venetian Resort sa Macau noong Linggo.
Inihain ni Sen. Juan Edgardo Angara ang Senate Resolution No. 1028 kung saan binabati ng Senado ang 35-anyos na boksingero matapos nitong matagumpay na nadepensahan ang titulong World Boxing Organization (WBO) International Welterweight Champion at kinikilala ngayon bilang “one of boxing’s greastest fighters.”
“Pacquiao’s extraordinary accomplishments became, in the process, an inspiration to the ordinary Filipino people, demonstrating the possibility to overcome tremendous odds and lead life in a positive and productive direction,” pahayag ni Angara sa kanyang resolusyon.
Napabilib si Angara kay Pacquiao dahil sa kabila ng dehadong taas nito na 5’6” and a half inches laban sa 5’10 and a half inches ay nakuha nitong pabagsakin ng anim na beses ang Amerikanong boksingero bagamat natapos pa rin ng dalawa ang 12 round.
Si Pacquiao ay nanalo sa unanimous decision.