Nanawagan si QC Fire Marshall F/SSupt. Jesus Fernandez ng ibayong pag–iingat para maiwasang masunugan ang mga komunidad matapos ang magkakasunod na insidente nito sa lungsod.

Ang huling insidente ay naganap dakong 3:50 ng hapon kamakalawa nang sumiklab ang apoy mula sa tahanan ni Ginang Ester Banaag at nilamon ang 30 kabahayan sa Barangay Talayan, Quezon City.

Lumitaw sa imbestigasyon, sumabog ang welding machine sa ginagawang bahay at mabilis na kumalat ang apoy na ikinasugat ng tatlo katao.
National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm