JEJU ISLAND, Korea- Nakipagsabayan si Nesthy Petecio kay Russian Zinaida Dobrynina sa apat na napakatinding rounds bago nagkasya na lamang ito sa silver medal sa finals ng featherweight division (57 kg.) sa AlBA World Women's Championships dito.

Sadyang naging balikatan ang labanan kung saan ay nahati ang spectators kung sino ba talaga ang nagwagi. Hindi rin naglayo ang scorecards ng tatlong hurado na nakapagtala ng 38-38,37-39 at 37-39. Ngunit para sa Filipina, ang huling dalawang iskor ay pumabor sa Russian.

Nakipagsabayan sa kanyang anim na bout sa loob ng siyam na araw sa kompetisyon, tinangka ng dusky Davao del Sur native na makapasok sa loob sa mas matangkad na kalaban kung saan ay nakipagpalitan siya ng mga suntok sa Russian. Lumaban lamang ang Russian girl sa kanyang ikalimang match kung saan ay makakuha ito ng bye sa unang round.

“I don’t think that made much of a difference that I fought one more fight than she did. I felt good during the match” saad ng 22-anyos at ABAP boxer na nagwagi rin ng silver medals sa SEA Games sa Palembang (2011) at Myanmar (2013).

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Malakas din siyang manuntok pero tinatamaan ko rin siya. Hindi naman yata ako masyado naagrabyado doon. Pero iyon ang decision, respetuhin na lang natin, (She could also hit hard but I also hit her. I don’t think she dominated me, but that was the decision and we have to respect it),” pahayag ng pinakamatandang anak sa limang magkakapatid.

Ikinagalak na rin ni ABAP president Ricky Vargas ang 2nd place finish ni Petecio.

“This was a strong tournament with the best women boxers from 67 countries and we were one of only 12 nations in the finals. I am proud of Nesthy,” pagmamalaki ni Vargas, na siya ring pangulo ng Maynilad Water.

“Nesthy’s performance inspires us to continue our program of talent identification, training and international exposure for both our men and women boxers. We owe it to these dedicated athletes who sacrifice so much for the country,” dagdag nito.

Ang pagbiyahe ng women boxers ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), PLDT at Maynilad. Ang kanilang uniporme ay ipinagkaloob ng Pride Sports Apparel.

Ang iba pang miyembro ng piniling Philippine team ay sina boxers Josie Gabuco at Irish Magno, coaches Roel Velasco at Violito Payla at team manager at AIBA technical official Karina Picson.