Lumiham kay Pope Francis ang mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre upang hilingin na ipanalangin nito na mabigyan ng katarungan ang 58 kataong pinaslang, kabilang ang 32 peryodista.

Ayon kay Rowena Paraan, chairperson ng National Union of Journalists in the Philipines (NUJP), sulat-kamay lamang ang liham na nais nilang maibigay sa Papa, na nakatakdang bumisita sa bansa sa Enero 15 hanggang 19, 2015.

Dismayado aniya ang mga pamilya ng mga biktima dahil limang taon makalipas ang naganap na malagim na krimen ay mabagal pa rin ang pag-usad ng kaso.

Unti-unti na ring nababawasan ang mga testigo na isa-isang pinapaslang.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

“’Yun pong mga pamilya ng media na pinatay gumawa po sila ng isang sulat para kay Pope Francis, binasa po nila nung nandoon sa massacre site nung nagpunta nung November 21, nagpapatulong sila how that letter can be given to the Pope, nakasulat po siya sa pages ng notebook handwritten and we would like to send the letter as is papunta sa Papa, so siguro hihingi kami ng advice sa inyo how to go about it, pero ang ganda po ng sulat kasi mararamdaman yung frustration at saka yung mahigpit na kahilingan nila para ipagdasal yung kaso at makahanap sila ng katarungan, yun lang naman po yung kahilingan nila para sa Papa,” pahayag pa ni Paraan sa panayam sa Radio Veritas