Christian Bautista

PANALO ang bagong album ng Romantic Baladeer na si Christian Bautista at type ng entertainment press ang songs collection mula sa romantic films at TV drama series. Kaya kahit dalawang kanta lang ang inihanda ni Christian, ang Up Where We Belong at When You Say Nothing At All para sa launch ng kanyang Soundtrack album from Universal Records, humirit sila ng isa pang kanta.

Nagpaunlak siya ng A Thousand Years na dedicated daw niya sa mga malapit nang ikasal at bagay din daw sa marriage proposal ang song.

Biniro tuloy si Christian kung magpu-propose na ba siya kay Rachelle Ann Go pagpunta niya sa London para manood ng Miss Saigon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Hindi po, walang ganoon, tutuparin ko lang ang promise ko sa dalawa kong mahal na kaibigan, sina Rachelle Ann at Mark Bautista na panonoorin ko sila,” sagot ni Christian. “Nabasa ko ang reviews sa kanila that they are doing very good in London. Kaya aalis ako rito sa January 1, 2015 dahil si Mark who plays Ferdinand Marcos in the musical Here Lies Love, ay hanggang sa January 8 na lang. Siguro, magkakaroon kami ng bonding na tatlo after Mark’s performance dahil hanggang January 14 pa ako roon.”

Uunahin muna ni Christian ang pagpu-promote ng new album na matagal na hinintay ng kanyang fans, for two years. Nag-top na nga agad sa chart ang song niyang Up Where We Belong na theme song ng koreanovelang Empress Ki na ipinapalabas sa GMA-7. Very inspiring daw kasi ang song. Paborito ring hilingin sa kanya ang A Thousand Years na theme song ng Twilight.

Samantala, nilinaw ni Christian ang balitang hindi raw siya satisfied sa paglipat niya sa GMA Network.

“That’s not true dahil ngayon lang ako naging very busy sa trabaho. Araw-araw akong napapanood sa TV dahil from Monday to Friday nasa primetime soap ako na Strawberry Lane, kapag Saturday co-host ako ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa dance show naming Marian at kung Sunday, sa Sunday All Stars. Sa dalawang shows, natuto akong sumayaw habang kumakanta. Kung medyo may times na hindi ako madalas mapanood sa eksena sa Strawberry Lane, iyon ay dahil nasasabay sa taping ng Marian, o di kaya out of the country ako to fulfil my engagements doon. Very thankful nga ako sa GMA dahil naiintindihan nila ako kapag kailangan kong umalis para tumupad sa aking commitments.”

Halos hindi rin makapaniwala si Christian sa magandang balita natanggap niya na nominated siya as Best Actor sa Aliw Awards for his performance in the stage play, Ghost The Musical with Cris Villonco. Hindi siya nag-i-expect na manalo, pero masaya na siya sa nomination pa lamang dahil mahuhusay ang iba pang nominees na kalaban niya.

Ang Soundtrack ay may lamang 12 songs, kasama ang Come What May with Nikki Gil, How Deep Is Your Love, After All with Karylle, Cruisin’ with Julie Anne San Jose, Way Back Into Love, Love Is All Around, The Way We Were, Kiss From A Rose, Unchained Melody ay ang bonus track na Seasons of Love na theme song ng drama series ng GMA-7 of the same title.