Kinilala ang Makati City bilang kahanay ng London, Boston, Toronto, Dubai at Rotterdam sa larangan ng highest level of certification sa first set of ISO standards para sa mga siyudad sa mundo, ang ISO 37120.

Ipinagbunyi ni Makati City Mayor Jejomar Erwin S. Binay ang pagkilala sa kanilang siyudad na kabilang sa unang 20 lungsod sa mundo na nabigyan ng IS0 37120 certification, na siyam sa mga nito ang nakamit ang Platinum level.

“This latest recognition strengthens our resolve to continue improving our services to the people of Makati so that they would experience quality living commensurate with the amenities of a highly urbanized city,” pahayag ni Binay.

Layunin ng ISO 37120, na inilathala ng International Organization for Standardization ng Geneva, na buksan ang pinto para sa mga siyudad upang makipagugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng iisang panuntunan upang masukat ang kalidad ng serbisyo at pamumuhay sa siyudad.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinuri ni Dr. Patricia McCartney, presidente at CEO ng World Council on City Data (WCCD), ang pamahalaang lungsod ng Makati matapos nitong makumpleto ang ISO 37120 report, na 98 mula sa 100 indicator ang natugunan ng siyudad.

“It is only through the commitment and leadership of cities like Makati that we can continue building a global network of sustainable, smart and prosperous cities,” pahayag ng pinuno ng WCCD.

Ayon pa kay McCartney, kanilang naberipika ang mga datos base sa requirements ng ISO 37120 at proseso ng sertipikasyon ng WCCD.