PLARIDEL, Quezon – Isang magkapatid na binatilyo ang minolestiya ng dalawang lalaki na tinakot sila at kinaladkad sa pampang noong Lunes, iniulat kahapon.

Ayon sa pulisya, kasama ng isang 13-anyos na lalaki at ng kapatid niyang 11-anyos ang kanilang ina nang magharap ng reklamo sa himpilan ng pulisya.

Sinabi ng mga biktima na Nobyembre 2 pa ng tanghali nangyari ang pang-aabuso, nang kaladkarin at molestiyahin ng mga hindi kinilalang suspek ang magkapatid sa pampang matapos hipuan ang isa sa mga ito habang nanonood ng disco party sa harap ng barangay hall. - Danny J. Estacio
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado