Ni JUN N. AGUIRRE

AKLAN – Dalawang menor de edad ang namatay at anim na iba pa ang nasugatan nang bigla na lang mamaril ang isang lalaki sa isang perya sa kabundukan ng Libacao sa Aklan, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Antonina Ricablanca, 16; at Saraki Katiniko Viray, 14 anyos.

Sugatan naman at isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo sina Gilda Nalangan, 37; Clery Javier, 18; JR Agudes, 21; at tatlong menor de edad.

Probinsya

Doktora natagpuang patay sa loob ng isang kotse; may tama ng bala sa ulo

Nangyari ang insidente dakong 9:00 ng gabi noong Lunes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinitingnan ang away ng dalawang angkan na motibo sa pamamaril.

Sa nakalipas na mga siglo ay daan-daang tao ang napatay sa away-pamilya sa kabundukan ng Central Panay Mountain Range.

Saklaw ng lugar ang mga hangganan ng Aklan, Capiz, Iloilo at Antique.

Nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at maaresto ang suspek.