Mabuti at agad na binawi ng gobyerno ang desisyon ng bureau of immigration na ipagbawal na makapasok sa bansa ang siyam na peryodista ng Hong Kong na nanuya kay Pangulong aquino sa idinaos na CEO Summit na kaakibat ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa bali, indonesia noong nakaraang taon.

Tinanong ng naturang siyam na peryodista ang Pangulo tungkol sa waring kakapusan ng aksiyon sa 2010 bus hostage tragedy sa Rizal Park kung saan napatay ang walong HK tourist. ang ating bureau of immigration, na kumilos sa rekomendasyon ng ating intelligence services, ay agad na deklara ng ban sa pagpasok ng siyam na peryodista sa kadahilanang banta sa kaligtasan ng publiko ang mga ito.

Ginatungan ng immigration ban ang umiinit na hidwaan ng Pilipinas at Hong Kong hinggil sa nasabing trahedya. Nag-isyu na si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng pormal na paumanhin sa mga pamilya ng mga biktima habang nagpahayag naman ng pakikiramay at pagdadalamhati ang pambansang gobyerno. tinanong ng mga peryodista ng Hong Kong ang Pangulong Aquino kung siya mismo ay hihingi ng paumanhin sa mga kaanak ng mga biktim, sa paraan na masasabing walang paggalang. Hindi tumugon ang Pangulo sa kanila.

Ang insidenteng ito sa bali ang nakita ng ilang masigasig na intelligence official bilang banta sa kaligtasan ng publiko kung kaya inirekomenda niya ang pagba-ban sa naturang siyam na peryodista ng Hong Kong. at ang bureau of immigration, sa parehong sigasig, agad na nag-ban sa mga peryodista.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Maaari ring ipagbawal ng isang bansa ang mga tao na nag-uudyok ng terorismo o karahasan at kaguluhan sa masa. ang panunuya sa isang Pangulo ng bansa ay maaaring kawalan ng paggalang, ngunit hindi naman ito waring isang karahasan. tinuya ng mga estudyante ang Pangulong aquino sa ating bansa ngunit hindi naman ito nagpaapekto. Sa bali, simpleng hindi siya tumugon sa mga peryodistang nanunuya sa kanya, at malamang umani ng paghanga sa kanyang pagtitimpi.

Ang pagbabawal sa mga peryodista ay partikular na nakayayamot sa mga nagdedeklara na kampeon ng malayamg pamamahayag ang Pilipinas. ang ating Konstitusyon mismo ay may laang proteksiyon para sa mga peryodisda, na hindi pinagbabawalang ilathala ang anumang sa palagay nilang mahalaga. Kailangang walang pinipigil, wala ring pinupuwersa. Ang pagpigil sa mga peryodista sa pag-cover ng isang event ay kasing halaga ng isang APEC Summit na nagbabawal sa kanilang makapasok sa bansa ay taliwas sa ating bansag bilang kampeon ng malayang pamamahayag.