Inaprubahan ng Sandiganbayan Fifth Division ang kahilingan ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada na sumailalim ng therapy para sa likurang bahagi ng kanyang katawan sa isang ospital sa San Juan City nang dalawang linggo.

“After due consideration of both oral and written arguments of the parties, and for humanitarian reasons the court resolves to grant accused-movant’s prayer over the objection of the prosecution,” ayon sa resolusyon ng Fifth Division na nilagdaan ni Chairman Roland Jurado at nina Associate Justice Alexander Gesumundo at Ma. Theresa Estoesta.

Pinayagan ng Fifth Division si Estrada na makalabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City upang sumailalim sa dalawang oras na therapy, dalawang beses isang linggo sa Cardinal Santos Memorial Hospital sa Greenhills, San Juan City.

Ang therapy session ay magsisimula sa Nobyembre 25 at magtatapos sa unang linggo ng Disyembre.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tiniyak ng korte na babalikatin ni Estrada ang gastusin ng PNP sa pagbibigay seguridad nito sa senador sa tuwing ito ay lalabas ng piitan.