Ilang araw matapos ang kontrobersiyal na pagbisita ni acting Department of Health (DoH) Secretary Janette Garin sa Pinoy peacekeeping force na naka-quarantine sa Caballo Island upang matiyak na sila ay Ebola-free, muling pinagdudahan kahapon ang opisyal na posibleng nagtataglay ng nakamamatay na virus.
Ang dahilan – nagtalumpati si Garin sa paglulunsad ng audiovisual production (AVP) ng information drive laban sa Ebola virus nang paos ang boses.
Nagdududa ang mga mamamahayag at tinanong si Garin kung nakararanas ito ng makating lalamunan.
“Napaos lang talaga.... After the budget hearing yesterday [Lunes], because the regional directors are all here, I took advantage of the opportunity to meet them and identify the gaps, what help they need in the central office, and what help we need from them. We ended at midnight. And then, early morning today, we had to comply with all the requirements needed by the senate in compliance with our conditional approval of the budget. So medyo puyat ho talaga,” paliwanag ng opisyal.
Iginiit din ni Garin na hanggang kahapon, wala rin sa mga sundalo sa Caballo Island ang napatunayang positibo sa Ebola.
Samantala, apat pang Pinoy peacekeeper ang dumating sa Pilipinas mula Liberia nitong nakaraang linggo.
Tulad ng unang batch, ang apat ay agad na dinala sa Caballo Island upang sumailalim sa 21-day quarantine period.