Hindi na makababalik sa puwesto si Emilio Ramon “ER” Ejercito bilang gobernador ng Laguna.

Ito ay matapos pagtibayin ng Supreme Court (SC) ang disqualification case laban dito.

Una nang nagpasya ang Commission on Elections (Comelec) na pababain sa puwesto si Ejercito dahil sa overspending noong nangangampanya.

Pero noong Mayo 23 ay hiniling ni Ejercito sa kataas-taasang hukuman na pigilan ang implementasyon ng nasabing Comelec ruling.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabila ng pending petition sa korte, itinuloy ng Comelec ang pagtatalaga kay Vice Gov. Ramil Hernandez bilang pansamantalang gobernador ng probinsiya.

Matapos himayin ang kaso, naglabas ng resolusyon ang Korte Suprema at pinaboran ng 12 mahistrado ang Comelec resolution at walang pumanig sa kahilingan ni Ejercito.