Sinabi ni Lewis Hamilton na ang isang contract extension sa Mercedes ay halos done deal na ngayong nasungkit niya ang ikalawang Formula One championship.

“We haven’t discussed the nuances but it really is pretty much a formality I would have thought,” ani ng 29-anyos na British sa mga mamamahayag makaraan ang season-ending race sa Abu Dhabi.

Si Hamilton ay kasalukuyang nasa ikalawang taon ng kanyang threeyear deal at ipinagpaliban niya at ng koponan ang pag-uusap tungkol sa renewal hanggang matapos ang kampeonato upang maiwasan ang distraksiyon.

Ang kanyang German teammate na si Nico Rosberg, ang karibal na tinalo niya para sa titulo noong Linggo sa Yas Marina circuit, ay pumayag na sa bagong deal sa maagang bahagi ng taon. Ang pagpirma ni Hamilton ang magpapatuloy sa laban sa pagitan nila hanggang sa 2016.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Ilang ulat sa media ang nagsabi na si Hamilton ay posibleng mabigyan ng five-year deal na nagkakahalaga ng potensiyal na 100 million pounds ($156.96 million), upang maging isa sa highest-paid athletes ng Britain.

“We are really on a great journey and Lewis is a super important member (of the team) and we want to keep it together,” saad ni Toto Wolff, motorsport head ng Mercedes. “We’re going to reflect for a couple of days, go back to the factory and then start those discussions in the next weeks.”