Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy ang pitong mangingisda mula Vietnam matapos silang maispatan na ilegal na nangingisda ng tuna sa karagatan ng Palawan.

Sinabi ni Lt. Greanata Jude, tagapagsalita ng PCG-Palawan, kasalukuyang nasa kanilang kustodiya ang pitong Vietnamese at hindi papayagang makaalis ang barko nito habang iniimbestigahan ang insidente.

Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naaresto ng mga tauhan ng PCG at Navy ang pitong Vietnamese sa layong 27 nautical miles mula sa baybayin ng Quezon, Palawan.

Nagmistula pa umanong “patintero” ang habulan ng dalawang grupo nang magtangkang tumakas ang Vietnamese fishing vessel.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabawi mula sa barko ay pitong yellow fin tuna at sari-saring gamit-pangisda ng mga Vietnamese.