Xian Lim

ILANG oras bago ginanap ang awards night ng PMPC 28th Star awards for TV, binanggit ni Xian Lim na ipinagdarasal niya na sana ay si Kim Chiu ang magwaging Best Drama Actress.

Alam daw niyang pinapangarap ni Kim na magkaroon ng acting award.

Guest nang hapong iyon si Xian sa The Buzz habang si Kim ay nasa Solaire Hotel na at naghahanda na bilang isa sa hosts ng Star Awards. Ayon pa kay Xian, aware si Kim na ipinagdarasal niya itong manalo.

'Kokoy Villamin' na pirmado rin sa mga transaksyon ng OVP, walang records sa PSA?

“I really like Kim. Pero ang hirap lang kasi, eh, medyo mahirap siyang imbitahin ngayon. Kumbaga, kahit isang simpleng date lang kagaya ng manood ng sine, maraming kasama, so, maraming ililibre, so nahihirapan ako,” napatawag banggit ni Xian.

Pero mas komportable na raw sila ngayon sa isa’t isa kahit may ilang buwan din na hindi sila nagsama sa proyekto bago dumating ang pelikulang Past Tense na pinagbibidahan nila ngayon.

“Ako naman, eh, natatanggap ko na rin ‘yung mga pang-iintriga nila sa akin, sa aming dalawa ni Kim. Parang it takes two of us to make a scene work at siyempre ‘yung tiwala namin sa isa’t isa na ‘yung hindi naman namin papabayaan ang isa’t isa,” sey pa niya.

Kahit napatunayan nang may sariling hatak ang tambalan nila ni Kim both sa pelikula at sa telebisyon, paminsan-minsan ay sumasagi sa isipan niya na parang hindi siya nababagay kay Kim Chiu bilang ka-love team.

“Sa totoo lang, wala sa isip ko noon na makaka-tandem ko siya. Pero ipinagdarasal ko ito,” sey pa ni Xian.

Noong nasa America pa siya ay napapanood at nasubaybayan na pala niya ang career ni Kim. Aminado siya na noon pa man ay star struck na siya kay Kim.