MATATANDANG lumipad sa ibang bansa ang aktor na si Sean Hayes at ang nobyo nito sa ibang bansa na tanggap ang same-sex marriage. Noong Huwebes, isapubliko ng Will & Grace actor sa Facebook na ikinasal na siya at ang kanyang longtime partner na si Scott Icenogle.

“Here’s a #TBT photo of Scotty and me getting married last week. Took us 8 years but we did it!” sabi ni Hayes, 44, bilang paglalarawan sa nasabing litrato katabi ang kanyang asawa.

Naging usap-usapan na ang plano nilang magpakasal noong nakaraang buwan nang makita sa isang litrato ni Hayes na may suot siyang silver band sa kanyang ring finger. Kinumpirma ito ng kanyang mga tagapagsalita: “Sean Hayes and Scott Icenogle have been together for eight years. They are not yet married, but they have been engaged for quite some time.”

Apat na taon na ang nakalilipas simula nang magladlad ang aktor. At noong 2013 sa panayam sa L.A. Times, sinabi niya na may utang na loob siya sa gay community sa paghingi ng paumanhin sa pagtatago ng kanyang tunay na kasarian.

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap

“I was so young,” lahad ni Hayes. “It made me go back in the closet [with the media] because I was so overwhelmed at 26 or 27. I didn’t want the responsibility, I didn’t know how to handle the responsibility of speaking for the gay community.”

Gumanap ang aktor bilang Jack McFarland, isang bakla, sa hit comedy na Will & Grace noong 1998.

“I always felt like I owed them a huge apology for coming out too late,” dagdag pa ng aktor. “Some people in the gay community were very upset with me for not coming out on their terms. They don’t stop to think about what’s going on in somebody’s personal life, and the struggles that they’re having. It was all very scary. We got death threats. It was a really rough time for me, but I was also having the time of my life.”

Nabalitaang ikinasal sina Sean and Scott sa isang pribadong seremonya sa kanilang tahanan sa Los Angeles. - Yahoo News/Celebrity