Ipinaalala ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa ibayong dagat bilang mga kasambahay o domestic workers, mga tagapag-alaga (caregivers) at mga mandaragat (seafarers) na libre at wala itong bayad o placement fee.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, ang mga OFWs na papuntang Unites States (gamit ang H2B visa), Canada, United Kingdom, Ireland, at The Netherlands ay wala ring placement fee. Gayunman, pinapayagan ang placement fee sa ibang bansa o teritoryo, na ipinagkakaloob lamang ang mga bayarin para sa isang buwan na sahod, at babayaran lamang ito pagkatapos mapirmahan ang kontrata sa trabaho, at isang naaangkop na opisyal na resibo ng pagtukoy sa layunin ng pagbabayad na ibinigay. - Mina Navarro
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists