Kasabay ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero ay ilalabas din ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang selyo ng Papa.

Ayon kay Post Master General Josie dela Cruz, ang special stamps para sa Papa ay nasa 3D embossing at hot foil stamping coinage stamp.

Inaasahang tatangkilikin ito ng publiko bilang souvenir, partikular ng mga stamp collector.

Sinabi ni Dela Cruz na ang apat na disenyo ng selyo ay ang mga nanalo sa papal visit on-the-spot stamp design contest, na pawang tumanggap ng P15,000 na premyo bawat isa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, para sa Pasko ay naglabas na rin ang PhilPost ng Pasko 2014 special stamps na tinatampukan ng iba’t ibang tradisyong Pinoy.

Nabatid na nasa 104,000 ang kopya ng Christmas stamp na ilalabas ng PhilPost na mabibili ng P10 bawat isa.