Los Angeles Clippers center DeAndre Jordan (6) fails to dunk over Memphis Grizzlies center Marc Gasol (33) in the first half of an NBA basketball game Sunday, Nov. 23, 2014, in Memphis, Tenn. (AP Photo/Brandon Dill)

MEMPHIS, Tenn. (AP) – Nagtala si Marc Gasol ng 30 puntos at 12 rebounds upang pangunahan ang Memphis Grizzlies sa 107-91 nitong panalo kontra Los Angeles Clippers kahapon.

Si Gasol ay 13-of-18 mula sa field sa pagtatapos sa double digits ng anim na manlalaro ng Grizzlies. Nagdagdag si Courtney Lee ng 13 puntos para sa Memphis, na napanatili ang pinakamagandang rekord sa liga, 12-2, panalo-talo.

Gumawa si Tony Allen ng 12 puntos, habang kapwa umiskor sina Beno Udrih at Quincy Pondexter ng 11 puntos mula sa bench ng Memphis. Nagtapos si Zac Randolph na may 11 puntos.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

‘’There was no doubt in my mind that Marc would be aggressive,’’ sabi ni point guard Mike Conley at idinagdag na: ‘’Once you see the 12-2 start, we’re going to tell him to go get 30 every night.’’

Binuksan ni Gasol ang laro na may isang pares ng jumpers, at pagkatapos ay inumpisahang dalhin ang bola sa basket. Ang resulta ay nauwi sa 12 first quarter points sa pagbura ng Memphis sa tanging kalamangan ng Clippers sa laro at itinayo ang 25 bentahe pagdating sa ikaapat na yugto.

‘’When you make jumpers, it forces the defense to come out,’’ ani Gasol. ‘’.It creates shots for other people, and I’m happy with that.’’

Hindi nagawang makapag-execute ng maaga ng Clippers, na napanalunan ang unang dalawa sa kanilang seven-game road swing, at walang nakitang kasagutan kay Gasol.

‘’We really have to come out executing and aggressive and hit first,’’ saad ni Chris Paul, na pinangunahan ang Clippers sa kanyang 22 puntos, limang assists at apat na steals. ‘’We really have to do a better job of doing it consistently.’’

Umiskor si Jamal Crawford ng 19, habang nagtapos si J.J. Redick na may 15 puntoas at 3-of-6 mula sa arko.

Nagtala si Blake Griffin ng 12 puntos, ngunit nagkasya lamang sa kanyang 5-of-17 mula sa field.

Sinubukan ni Paul na igya ang Clippers pabalik sa laro matapos ang halftime, umiskor ng 13 puntos sa ikatlong quarter, at napalapit ang Los Angeles sa walong puntos. Ngunit muling naitayo ng Memphis ang kanilang bentahe sa 25 puntos sa fourth quarter at ginamit ni coach Doc Rivers ang kanyang reserves upang subukang mabura ang depisito. Nagkaroon ng run ang bench ng Los Angeles upang makalapit sa 15, ngunit hindi na sila hinayaan ng Memphis na mas makalapit pa.

Kinilala ni Rivers ang mga nagawa ni Gasol at sinabing mas delikado na ngayon ang Grizzlies.

‘’I don’t know if he has been on a good diet, but he looks great and is playing great,’’ saad ni Rivers. ‘’The Grizzlies seem to have that edge. They aren’t messing around.’’

Resulta ng ibang laro:

Miami 94, Charlotte 93

Portland 94, Boston 88

Golden State 91,

Oklahoma City 86

Denver 101, Los Angeles Lakers 94