Dalawang asunto ang kinakaharap ng isang binata na bukod pa sa ilegal na sugal ay nahulihan pa ito ng shabu ng mga nagpapatrulyang pulis sa Caloocan City kamakalawa.

Ayon kay Chief Insp. Reynaldo Medina Jr., hepe ng Sub-Station 1 (SSI) ng Caloocan Police, nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 1602 (illegal gambling) at RA 9265 (illegal possession of dangerous drugs) si Ronnie Ticson, 21, residente ng Kapayapaan St., Barangay 150, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Medina, bandang 3:30 ng madaling araw, nagpapartrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 (PCP 1) sa Moises St. Bagong Barrio, Caloocan City nang mapansin nila ang grupo ng kalalakihan sa gilid ng kalsada at nagsusugal ng cara y cruz.

Pinuntahan ito ng mga pulis, pero nagkanya-kanya ito ng takbo, subalit nakorner ng mga awtoridad si Ticson.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

Kinapkapan ng mga pulis ang suspek at dito nakuha sa kanyang bulsa ang tatlong sachet ng shabu.