Sisimulan na sa Enero 2015 ang pagtatayo ng Metro Railway Transit 7 (MRT 7) na mag-uugnay sa Quezon City at Bulacan.

Sa pulong sa Philippine Information Agency (PIA) , nabatid na ang proyekto ay sa ilalim ng public private partnership (PP) ng administrasyong Aquino.

Ang MRT Line 7 mula Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan ay may habang 23 kilometro at may 14 na istasyon, batay sa inaprubahan ng Department of Finance sa ilalim ng “built-operate-transfer” agreement.

Itatayo ang MRT 7 sa tapat ng SM North Edsa na tatawaging LRT-MRT unified central terminal ng LRT Line 1, MRT 3, at MRT 7 na magsisilbing iisang istasyon na lamang.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Mula Quezon City ay dadaanan nito ang North Avenue sa kanto ng Edsa, liliko sa Quezon Memorial Circle kung saan naroon ang ikalawang terminal at tatahakin ang Commonwealth Avenue para daanan ang istasyon sa Philcoa, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado Highway, Mindanao Avenue, Quirino at Sacred Heart, Tala sa North Caloocan at San Jose del Monte sa Tungkong Mangga.

Ang proyekto ay popondohan ng P62 bilyon ng San Miguel Corporation at Japan International Cooperation Agency habang ang D.M. Consunji ang kontratista para dito