MASAYA kami para sa alaga ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan dahil sa Music Museum na ang venue ng birthday concert niya bukas na may titulong MICHAELabot ng mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare).

Dati ay sa Zirkoh, Teatrino, at Klownz lang nagbi-birthday show ang binata, pero ngayon Music Museum na.

Sobrang overwhelmed si Michael sa nakaraang Himig Handog 2014, isa siya sa finalists, dahil ang awiting Pare, Mahal Mo Raw Ako ay umabot na sa 2 million views sa YouTube.

“I’m very grateful to the more than 2 million viewers ng music video namin sa YouTube. Nakakataba ng puso para sa isang baguhang katulad ko ang pagtangkilik nila sa kanta ko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kaya I promise everyone na hindi ko kayo bibiguin, sa abot ng aking maliit na kakayanan, sisiguraduhin kong pag-iigihan ko ang trabaho ko para lalo n’yo pa akong mahalin.”

At tungkol sa bago niyang concert venue, “First time akong magku-concert sa Music Museum kaya ganoon na lang ang kaba ko. I’ve performed na doon a couple of times pero as guest lang ng ibang artists-friends natin pero ngayon... whew!

“Parang nagtatakbuhan ang mga daga sa dibdib ko sa nerbiyos dahil heto na, show ko na ito. Nagdarasal akong sana tauhin ang concert ko, na sana’y maganda ang kalabasan ng show namin. Kaya tulungan n’yo po akong magdasal para hindi naman ako mapahiya sa lahat ng manonood,” pahayag ng binata.

“May mga bago akong ginawang mga areglo para kay Michael,” kuwento naman ng musical director ni Michael na si Butch Miraflor. “A combination of old and new songs - may mga medleys siyang kakaiba. Oo naman, nandiyan pa rin ang mga tunog niya like yung mga songs na paborito niyang kantahin - Latch, Rude, Pare, Kung Sakali, etc.

“Nilagyan ko ng few kakaibang numbers like Usahay, Buchikik at marami pang iba. Magaling kasi talagang bata iyang si Michael kaya di ako hirap gawan ng areglo ang mga songs niya. Sana nga ay mas malayo pa ang marating ng batang iyan, huwag sanang maging pasaway one day.”

Special guests ni Michael sina KZ Tandingan, Marion Aunor, Prima Diva Billy, Luke Mejares, Jimmy Bondoc, Jay-R at Aljur Abrenica with the special participation of Atak, Gie Kinis and Rowell Quizon na silang magbibigay ng comic relief sa show.

“Sayang nga at wala si Kuya Duncan (Ramos) and Kuya Carlo (Aquino) sa line-up ngayon. May show kasi si Kuya Duncan sa States that day pero nangako naman si Kuya Carlo na makigulo sa production number namin with the boys. Since birthday ko naman sa mismong araw na ito, parang party-party lang ang ambiance natin, di ba? Basta wish me luck na lang, lalo na sa Michael’Overs, thanks so much talaga,” ani Michael na regular pa ring napapanood sa KrisTV at Walang Tulugan and regular co-host ni DJ Chacha sa MOR 101.9 tuwing Martes.

Gustong pasalamatan ni Katotong Jobert ang sponsors ng MICHAELabot ng mga Kolehiyala (It’s My Time, Pare) na sina Isabela Gov. Bojie Dy, Erase Placenta, Lucida-DS, Vaniderm, Naturaleza-biz, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Hannah’s Beach Resort (Pagudpud, Ilocos Norte), Quadro Frames, McQueen Petals Flower Shop, Sutla, Mr. Neal Gonzales, Ms. Chaye Cabal-Revilla, Mama Lily Chua, Mr. Zaldy Aquino, Herbert C. and Ninong Noel Martinez.