Inilunsad ng oil industry leader ang pinakamalaki nitong promo na magbibigay ng bagong Toyota Vios, 100 motorsiklo at ‘sangkatutak na iba’t ibang papremyo sa “Fast Prize Promo” ng Petron.

Sa bawat P1,000 halaga ng pagkarga ng Petron Blaze 100, XCS, Xtra Advance, Super Xtra, Turbo Diesel, o Diesel Max ay may tsansa na ang mga suki ng Petron na manalo ng alinman sa mahigit P500,000 papremyo.

Hindi gaya ng mga nakasanayan nang mga raffle draw, ang Fast Prize Promo ng Petron ay gagamit ng peel-apart coupon, na maaaring manalo ng Toyota Vios, Honda CB110 motorcycles, at P88,000 Petron Value Card points o katumbas ng isang taong libreng gasolina.

Ang pang mga papremyo ay kinabibilangan ng GoPro Camera Hero3+, 16GB Apple iPhone 6, 16GB Apple iPad Air, Samsung Galaxy S5 with Gear Fit, Samsung Galaxy Tab 4, HP Car Camcorder F310, Nike Fuel band, Casio G-Shock, at Rainbow Loomband set.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang promo ay nagsimula noong Nobyembre 15 at magtatapos sa Pebrero 15, 2015. - Jay Azaña,trainee