NEW DELHI (AFP) – Inihayag ng US reality TV queen na si Kim Kardashian na kailangan niyang kanselahin ang planong pagbiyahe patungong India para sa nakatakdang pagbisita niya sa local version ng Big Brother.

“To all my wonderful fans in India, I’m so disappointed I wasn’t able to come to India as planned,” saad ni Kardashian kanyang post sa Twitter.

“When the opportunity presented itself to make the trip, there was a short window to coordinate all the elements necessary to make it happen. Unfortunately time ran out so the trip has been cancelled,” dagdag pa niya.

Nakatakdang lumabas si Kardashian sa nasabing serye na pinamagatang Bigg Boss sa India sa Sabado ng gabi para makipag-usap sa contestants.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Ang housemates ay binubuo ng mga modelo at aktor na mananatili ng 90 araw sa loob ng bahay na walang Internet at bawal gumamit ng telepono o kahit anong kagamitan na maaaring gamitin sa pakikipag-ugnayan sa labas ng bahay.

Mahigit sa 150 million ang sumubaybay sa Big Boss noong nakaraang taon, at ito ang most viewed sa lahat ng reality shows sa India.