Kevin Balot

ISASADULA pala ng Imbestigador ang buhay ng pinatay na transgender sa Olongapo City na si Jennifer Laude at ang napiling gumanap ay ang nanalong Miss Philippines International Queen 2012 na si Kevin Balot.

Si Kevin ang unang nanalong transgender na kinatawan ng Pilipinas sa naturang pageant na ginanap sa Pattaya City Island, Thailand noong 2012.

Talagang napapatitig kami nang makita namin si Kevin dahil wala kaming makitang bakas na isa siyang gay dahil babaeng-babae talaga sa lahat ng anggulo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Say niya, “Alaga ‘yan ng Finessa Aesthetica na siguro sa pagiging loyal customer ko sa kanila kinuha na nila akong endorser, ha-ha.”

Pero pansamantalang nahinto ang shooting ni Kevin sa documentary film dahil dinudugo raw siya.

“Bagong opera kasi ako, nagbi-bleed pa, so kailangan kong i-rest,” bungad ng transgender beauty queen.

Inamin sa amin ni Kevin na babae na talaga siya pero hindi naman daw pinutol ang kanyang ari, “Ang bagong gawa ngayon, pinapasok lahat, ang tinanggal lang ‘yung eggs (genital balls), tapos the rest of the part of genitalias, pinasok lahat para may sensation.”

Hindi raw delikadong tanggalin ang ‘eggs’.

”Hindi naman, eh, di sana patay na ako?” sabi niya. “One month healing period, pero kailangan mong ipahinga ng two months bago magamit.”

Ang unang operasyon niya noong January 2013 ay kasama sa premyo niya bilang Miss Philippines International Queen.

“No’ng sumali ako sa beauty contest, pre-op pa ako no’n,”

At take note, Bossing DMB, isang abogado ang boyfriend ni Kevin.

“Two years na kami ng boyfriend ko. Hindi pa ako operada no’ng naging kami. Ang boyfriend ko kasi hindi naman siya nagsisilbing coach na gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan, parang cheerleader ko ‘yun, bahala ako kung ano ang gusto kong gawin. Saka ang tingin sa akin ng boyfriend ko, babae na talaga at lagi kong sinasabi sa kanya, ‘wag mo pa ring tanggalin sa isip mo na ipinanganak akong lalaki (hindi magkakaanak).”

Niyaya na siya ng kanyang boyfriend na magpakasal sa Canada.

“Ako pa ‘yung hindi ready, sabi ko bata pa tayo, 26 pa lang siya at hindi pa niya kayang (buhayin ako), ha-ha-ha! Wala pa siyang ipon, baka umutang pa siya sa akin, ha-ha.”

Nakatapos ng Nursing si Kevin pero hindi na nakapag-board dahil naging busy na siya sa kararaket dahil siya mismo ang nagpaaral sa sarili niya dahil naglayas siya sa bahay nila.

“Nu’ng elementary ako, malamya pa lang, nang mag-high school na ako, doon na kaya talagang galit ang tatay ko, kasi gusto niya sumunod ako sa yapak niya bilang engineer, eh, hindi nangyari. Kaya after high school umalis na ako sa amin, sumali na ako sa iba’t ibang beauty contest at ako ang nagpaaral sa sarili ko.

“Kaya walang nagawa ang tatay ko kasi lumaki naman akong maayos, sabi nga niya, ‘walang dahilan para hindi kita tanggapin, masuwerte ako kasi lumaki kang ganyan, baka kung naging lalaki ka, baka naging adik ka pa.’

“So ngayon, okay na kami, ‘yung bunso kong kapatid kasama ko ngayon, ako nagpapaaral sa kanya at kuya pa rin ang tawag sa akin ‘pag kami-kami lang dahil sabi ko sa kanya, ‘kapag nasa labas na, ‘wag mo akong matawag-tawag na kuya, sasakalin kita,” kuwento ni Kevin tungkol sa mga pinagdaanan niya.

Bilang transgender, inamin ni Kevin na nakakaranas pa rin siya ng pambabatikos ng ibang tao na sana raw ay hindi at dapat ay pantay-pantay ang tingin sa kanila.

Hangad niyang mabigyan ng katarungan si Jennifer Laude dahil hindi tama ang ginawa rito.